Death toll sa Pasig LPG blast: 7 na
WHAT MATTERS MOST - Mer Layson (Pang-masa) - January 18, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Umakyat na sa pito ang nasasawi sa pagsabog ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) refilling station sa Pasig City noong Enero 11.

Ayon kay Sr. Insp. Anthony Arroyo, hepe ng investigation unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig City na ang tatlong huling nasawi ay sina Joel Eda, 28; Alejandro Conrad, 42; at Jefrey Eugenio, 35, pawang stay-in employee ng sumabog at nasunog na Omni Gas Corporation.

Ang tatlo ay pawang nagtamo ng 90-95 percent na lapnos at sunog sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan dahil sa naganap na insidente.

Unang nasawi sina Camilo Alcaraz Jr., 18 delivery boy; Romeo Eugenio, 28, Jectopher Caoili, 21 pawang trabahador at William Khey, 39, supervisor ng Omni Gas Corporation.

Nasa kritikal pa ring kalagayan sa ospital sina Arvin Bautista, 20; Domingo Guira, 29; Raymart Eda, 22 at  Epifanio Ausa, 50 na pawang nagtamo ang lapnos ang 90 percent ng kanilang katawan dahil sa insidente.

DEATH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with