Army reservist sa ‘murder for insurance’, timbog
(Pang-masa) - January 15, 2017 - 12:05am

MANILA, Philippines - Arestado ang isang nagpakilalang Army reservist,  na ka­sabwat umano ng isang Japanese syndicate na may kinalaman sa modus na ‘murder for insurance’, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Ayon kay  Chief Inspector Romy Lanzarrote,  hepe ng  Criminal Investigation and Detection Group ng Southern Police District (CIDG-SPD) nakilala ang inarestong suspect na si Kirby Patricio Tan, at naninirahan sa Brgy.  Pulang Lupa ng nasabing lungsod.

Alas-10:00 ng umaga nang arestuhin ng mga pulis si Tan sa bahay nito sa naturang lugar kung saan nakumpiska rito ang dalawang baril at isang granada.

Nabatid, na si Tan umano  ay kasabwat ng isang Japanese syndicate na ang modus ay ‘murder to claim insurance’, kung saan dalawang Hapones na ang pinatay.

Modus ng sindikato na  magtayo ng kompanya sa bansa, at hihimukin makisosyo sa kanila ang kapwa nila Hapones, pagkatapos ay ipapa-insured at saka nila ipapapatay at ang magiging beneficiary ay ang kompanya.

Nabisto ang modus ng sindikato ng kanilang patayin ang huli nilang biktima na si Tatsuya Nakamura kung saan naaresto ang tatlong Hapones at isang Filipina.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa ang isa pang Hapones na miyembro rin ng sindikato.

Nangako naman si Tan na makikipagtulungan siya sa mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga nabiktima. Lordeth B. Bonilla

ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with