Gadgets at appliances dagdagan ng buwis
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 13, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isinusulong ni PBA partylist Rep. Mark Aeron Sambar ang pagpataw ng karagdagang buwis sa mga electronics appliances at gadgets sa halip na puntiryahin ng buwis ang beauty products at services.

Anya, ang make up o serbisyong pampaganda ay mahalaga para sa maraming tao, subalit ang pagbili ng electronic gadgets o appliances ay kakayahang limitado lamang talaga sa mayayaman o may kaya sa buhay.

Paliwanag pa ng kongresista, na marami sa mga Pinoy ang dalawa ang cellphone habang mayroong lima ang telebisyon sa bahay.

Inihalimbawa ni Sambar na ang sarili na mara­ming laptop na nakatambak at nagsisilbi na lamang mamahaling paperweight sa kanyang bahay.

Kung kaya umanong bumili ng ganito kadaming electronics na gamit ay kayang kaya dapat na pumasan ng dagdag buwis.

PBA PARTYLIST REP. MARK AERON SAMBAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with