Pastor hinuli sa rape
INVESTING ON THE GO - Joy Cantos (Pang-masa) - January 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hinuli ng mga pulis ang isang 25-anyos na umano ay pastor matapos na ireklamo nang pang­hahalay ng isang menor de edad na naganap sa Mankayan, Benguet.

Ang suspek na kinilalang si Donald Rey Milar Dela Cruz ay inaresto kamakalawa ng alas-2:55 ng hapon sa operasyon ng pulisya sa Cervantes Road, Poblacion ng bayang ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Sergio Angnganay ng Regional Trial Court (RTC) Branch 64 sa Abatan, Buguias sa kasong rape at wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Hindi na tinukoy sa ulat ang sekta ng relihiyong kinabibilangan ng suspek dahilan sa pakiusap ng mga kasamahan nitong pastor bunga ng makakasira ito sa imahe ng kanilang simbahan.

Nabatid sa reklamo ng biktimang itinago sa pa­ngalang Maricar, pinaniwala umano siya ng suspek na kagustuhan ng Diyos ang kahalayan na ginagawa nito sa kaniya hanggang sa ipagtapat ang insidente sa kaniyang pamilya bunsod upang ipagharap ng asunto ang pastor.

PASTOR HINULI SA RAPE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with