^

Police Metro

LRT 1 magbibigay ng libreng sakay ngayon

KIDSTUFF - Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa unang araw ng Bagong Taon, magbibigay ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) 1 . Ayon sa abiso ng LRT-1, nais nilang pasimulan ang taong 2017 sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng sakay sa mga commuters bilang pam-bagong taong handog sa kanilang mga pasahero.

Ang libreng sakay ay maaaring ma-avail ng kanilang mga pasahero mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Muli ring ipinaalala ng LRT-1 na kanilang ipatutupad na train service schedules mula ngayong araw hanggang  bukas (Enero 2, 2017). Nabatid na ang unang biyahe ng tren mula Baclaran ay aalis ng alas-5 ng umaga habang ang last trip naman ay aalis ng alas-9:30 ng gabi.

Samantalang ang first trip naman mula Roosevelt Station ay aalis ng alas-5:00 ng umaga habang ang huling biyahe ay aalis naman ng alas-9:50 ng gabi.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with