3 utas, 1 kritikal sa salpok ng bus
Joy Cantos (Associated Press) - December 30, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong katao na sakay ng tricycle habang isa ang nasugatan matapos na salpukin sila ng isang pampasaherong bus kahapon ng mada­ling araw sa kahabaan ng Maharlika Highwa, Red Palm Subidivision, Brgy. Pangpang, Sorsogon City, Sorsogon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  Patrick Lagonoy, 26, driver ng tricycle; Mark Levantino Tatel, 19; at Jerick Jasareno, 22; pawang nagtamo ng matitinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang dagliang ikinamatay ng mga ito.Habang nasa malubhang kalagayan si Christian Barbacena, 19.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sakuna bandang ala-1:35 ng mada­ling araw ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang isang Kawasaki tricycle (5846MW) na minamaneho  ni Lagonoy patu­ngong Sorsogon City nang mabangga ito ng kasalubong na Diamond Star Bus (TYG-692) na minamaneho naman ni Antonio Leocadio, 49 na patungo naman sa Metro Manila.

Sa lakas nang pagka­kabangga ay nayupi ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima na siyang kumitil sa buhay ng tatlong lulan nito.

RED PALM SUBIDIVISION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with