Maute terror group naitaboy na sa Butig
Joy Cantos (Pang-masa) - December 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nalinis na ng tropa ng militar sa bayan ng Butig, Lanao del Sur ang Maute terror group na umukopa sa munisipyo, gusali at mga eskuwelahan simula pa noong Biyernes ng nakalipas na linggo.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na sa labas na ng kabayanan ng Butig ang sentro ng sagupaan at patuloy pa ang pagtugis sa nalalabi pang mi­yembro  at mga opisyal ng tero­ristang  grupo na  naitaboy sa inokupang mga lumang gusali sa nasabing bayan.

“Based on the report of the 103rd Infantry Brigade, (Butig town) has been 100 percent cleared of the (Maute Group) and that clearing and fixing of the damaged inflicted on the municipality ay patuloy pa bago natin payagan ang mga residenteng nagsilikas na magsibalik na sa kanilang mga ta­hanan,” pahayag ni Padilla.

Sa kasalukuyan, sa loob ng anim na araw na bakbakan ng tropa ng militar at ng Maute terror group ay nasa 61 na ang napapaslang na ikinasugat ng marami pa sa mga bandido.

Ang Maute terror group ang nasa likod  ng pagpapasabog sa ‘night market’ ng Davao City noong Setyembre 2 ng taong ito  na kumitil ng buhay ng 15 katao habang mahigit pa sa 70 ang nasugatan.

MAUTE TERROR GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with