Mag-utol, 2 pa dedbol sa ‘vigilantes’
Danilo Garcia (Pang-masa) - December 1, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang magkapatid at da­lawang iba pa ang pinagbabaril at napatay ng umano’y vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Dakong alas-12:10 kahapon ng tanghali nang pagbabarilin at mapatay ang magkapatid na Mark Brando  at Bert Barry Barredo, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa Date Palm St., Whispering Palms Subdivision, Brgy. 167 Llano. Bumibili ng sigarilyo si Mark Brando sa isang tindahan nang lapitan at pagbabarilin ng isang salarin na nakasuot ng bonnet at face mask pagkatapos ay pumasok ito at binaril naman si Bert Barry sa ulo at katawan saka mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo. 

Ikalawang insidente ay naganap dakong alas-12:10 ng madaling araw na kung saan ay natutulog sa kanyang bahay sa Brgy. 176 Bagong Silang si Freddie Ebardaloza, 45, nang pu­wersahang pumasok ang mga suspek  at pagbabarilin.

Nabatid na ang biktima ay sangkot umano sa droga at nakatok na rin sa ilalim ng Oplan Tokhang ngunit nagtuloy sa iligal na gawain.

Ang ikatlo ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi sa Brgy. 175 Camarin nang pagbabarilin at mapatay ng mga nakamaskarang lalaki ang biktimang si Frederick Santos, 35, habang ito ay naglalakad pauwi ng bahay sa may Lirio Street.

Ayon sa ina ni Santos na nasangkot sa iligal na droga ang anak na posibleng dahilan ng pamamaslang dito.

VIGILANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with