^

Police Metro

6 todas sa drug bust

TRENDING - Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang anim na lalaki na drug suspects sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa tatlong lugar sa Maynila.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina John Ryan Verano; Rommel Aquino; Jester Luces; Ryan Puao, 27; Sherdy Arellano, alyas ‘Cerdi,’ 35, at Francis Valiente alyas ‘Alang’, 26.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng kamakalawa ng hapon ay napatay ng MPD-Station 3 sina Verano, Aquino at Luces sa kanilang lungga sa Amy’s Lodge na matatagpuan sa Gonzalo Puyat St. (Raon) panulukan ng Evangelista St., Quiapo.

Tinawagan pa umano ang mga suspek sa loob ng kanilang kasabwat nang mamataan ang mga pulis at nanlaban ang mga ito.

Inaresto naman ang mga sinasabing kasabwat na sina Laima Borja, Alex Abacial at isang dating pulis na si  Archie Cruz.

Dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa ay nasawi sina Puao, sa Jones Bridge, bahagi ng Muelle Dela Industria St., Binondo nang pumalag sa mga pulis.

Nakumpiska kay Puao ang isang kalibre 38 baril at 3 plastic sachet ng shabu.

Bandang ala-1:10 ng madaling araw kahapon nang masawi naman sina Arellano at Valiente nang manlaban din sa mga o­peratiba ng MPD-Station 1 na nagsagawa ng buy-bust.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with