2 drug pusher todas, 9 timbog
Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - November 16, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na umano ay drug pusher ang nasawi habang siyam ang nasakote sa magkahiwalay na drug operation kamakalawa sa Caloocan City at Quezon City.

Sa Caloocan City ay napatay ang suspek na si Sandae Corsino, 24, ng No. 265 Marulas-A St., Brgy. 36, Caloocan naaresto ang apat nitong kasama na sina June Ignacio, 44; Elmer Consul, 34; Crispin Reyes, 21; at Alfredo Ruiz, Jr., 47.

Nabatid na nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis dakong alas-4:40 ng hapon sa tapat ng bahay ni Corsino sa may Marulas-A Street, Brgy. 36 nang maaktuhan ang limang lalaki na nagsasagawa ng  tranksaksyon sa iligal na droga.

Dito ay pinutukan umano ni Corsino ang mga pulis na hindi tinamaan kaya’t gumanti na ikinasawi ng una.

Napatay naman ng QCPD ang isang 18-an­yos na si Julius Vargas, ng Brgy. Old Balara, Quezon City nang manlaban sa isinagawang anti-drug operations sa isang bahay na ginagamit na drug den na ikinaaresto ng lima na nagsasagawa ng pot session kamakalawa ng alas-3:30 ng hapon.

Ang mga naaresto naman ay sina Bernie Vargas, 28; Gerald Motera, 19; Roland Perante, 32; Paciano Vargas, 21; at isang 16 anyos na bina­tilyo pawang mga residente sa nasabi ring lugar.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang PS-6 mula sa isang concerned citizen kaugnay sa umano’y drug den sa naturang bahay.

DRUG PUSHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with