Masayang pinanonood ng mga tao ang libreng palabas ng laban ni Sen. Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas sa Marikina City. Nagwagi si Pacquiao sa laban.
Michael Varcas
Congrats Manny! - Malacañang
Rudy Andal (Pang-masa) - November 7, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – “Once again, Manny’s triumph united and brought joy to our people and our nation. The discipline, the determination, and the hard work of our People’s Champ are truly what make him a National Treasure in Global Sports,”.

Ito ang naging pagbati kahapon ng Malacañang sa pagkapanalo nito laban kay Jessie Vargas at tanghaling bagong WBO welterweight champion sa pamamagitan ng unanimous decision.

Samantala, bagama’t natalo si Nonito Donaire na depensahan ang kanyang korona ay kinilala rin ng Palasyo ang ipinamalas nitong galing laban kay Jessie Magdaleno.

“Nonito Donaire’s quest to be the ‘king in the ring’ unfortunately did not materialize.  This, however, would not diminish the honors he bestowed to the people and to the flag. He remains ‘The Filipino Flash’ with his quick hand speed and formidable punching power,” dagdag pa ng Palasyo.

“Nagpapasalamat ang Palasyo sa hindi matatawarang suportang ipinagkaloob ng ating mga kababayan sa oras ng tagumpay at maging sa panahon ng pagkabigo ng ating mga boksingero,”nakasaad pa sa pahayag ng Malacañang.

Binati rin nina Sens. Sonny Angara, Win Gatcha­lian, Joel Villanueva at iba pang kasamahan sa Senado si Paquiao.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with