^

5 magkaibigan tinodas

Mer Layson (Pang-masa) - November 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang limang magkaibigan kabilang ang isang babae nang sila ay pagbabarilin ng anim na lalaking naka-bonnet sa loob ng isang bahay sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jennifer Discargar, 31; Manuel Evangelista 37; Paulo Tuboroy, 24; Edmar Velarde, 31 at Marcos Albano, 26 na pawang residente ng Brgy. Addition Hills,ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:35 ng gabi sa Block 37, Extension Lot 1, Brgy. Addition Hills ay sinasabing nagsasagawa ng ‘pot session’ ang mga biktima nang duma­ting ang anim na lalaki na pawang nakasuot ng bonnet at walang kaabu­g-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

Nang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang kotse na hindi naplakahan.

Ayon kay Aling Cecilia Discargar, ina ni Jennifer, posible umanong may kinalaman sa pera ang ginawang pagpatay sa mga biktima dahil may dalang P200,000 ang kanyang anak galing  sa pinagbentahan ng lupa.

Inamin ng ina na paminsan-minsan ay gumagamit ng droga ang kanyang anak.

Maging si Roger Evangelista ay inamin na gumagamit din ng droga ang kanyang kapatid na si Manuel, pero itinanggi nito na nagbebenta ito ng bawal na gamot.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime O­peratives (SOCO) ilang plastic sachet na nagla­laman ng hinihinalang shabu ang narekober sa loob ng bahay na pinangyarihan ng krimen. Patuloy ang im­bestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa mga biktima.

MANDALUYONG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with