_pang-masa
^

Police Metro

Bomber nakonsensiya, pagbomba sa prosecutor office isiniwalat

Joy Cantos - Pang-masa
Bomber nakonsensiya, pagbomba sa prosecutor office isiniwalat
Sa ulat ni Batangas Police Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Leopoldo Cabanag, dakong alas-8:30 ng umaga nang makatanggap ng text message si Associate City Prosecutor Lilibeth Aguila mula sa numerong: 09976922173 at sinabing may magaganap na pagsabog sa tanggapan.

MANILA, Philippines – Isinawalat ng nakonsensiyang bomber at binalaan sa pamamagitan ng text message ang isang kawani ng Batangas City Prosecutors Office na may bombang sasabog sa kanilang lugar kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Batangas Police Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Leopoldo Cabanag, dakong alas-8:30 ng umaga nang makatanggap ng text message si Associate City Prosecutor Lilibeth Aguila  mula sa numerong: 09976922173 at sinabing may magaganap na pagsabog sa tanggapan.

Ayon sa sender, kasama umano siya ng isang akusado na nagtanim ng bomba  sa tanggapan at nag-aalala sa mga taong madadamay sa pagsabog na magaganap na anumang oras.

“Gud morning sa inyo mga fiscal at sa mga judge dyan sa bulwagan ng katarungan may inilagay ang kasamahan ko na bomba dyan sa loob at sa inyung bilding. Nakabalot sa supot at sa kahon. Kung makapagsalita kayo sa kagaya namin akusado kala nyu totoo….ngayon 9:30 ng umaga may sasabog dyan….. nag alala lang ako sa inyo madadamay pati walang alam….dapat lang sa inyo yan. Wag nyu babalewalain kawawa ang mga inosente”. Nakasaad sa text message.

Agad namang ipinagbigay alam sa pulisya ni Aguila ang natanggap na mensahe dahilan upang magtungo ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard kasama ang kanilang K9 unit at Bomb Squad ng Batangas Provincial Police Office (PPO) at sa paghalughog sa lugar sa  tulong ng K9 unit, ay natagpuan ang isang granada na nakalagay sa supot ng basura sa likurang bahagi ng Public Attorney’s Office (PAO), Hall of Justice, Pallocan West, Batangas City.

Kinuha ang naturang granada at idinaan sa karampatang proseso upang hindi na makapaminsala pa.

BOMBER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with