^

Bangkay ng lalaki sa ilalim ng tulay

Mer Layson (Pang-masa) - October 17, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang hindi pa nakikila­lang bangkay ng isang lalaki na may sugat at may tama ng saksak sa katawan ang itinapon sa ilalim ng tulay sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.

Ang bitktima ay tinatayang nasa edad 25-30, may taas ng 5’6”-5’7”, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay, nakasuot ng yelloy t-shirt na may markang Aeropostale Timesquare New York at short pants na kulay puti.

Batay sa ulat, dakong alas-4:50 ng madaling araw nang makita ng isang Dennis Menes ang bangkay ng biktima sa ilalim ng tulay ng La Salle Greenhills, Ortigas Ave., Brgy. Wack-wack, Mandaluyong City.

Hinihinalang  pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa lugar para iligaw ang gagawing imbestigayon ng mga otoridad.

MANDALUYONG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with