Trader, kaibigan dinukot ng mga ‘kustomer’
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 6, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang negosyante at kaibigan nito ang dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan na nagpanggap na kustomer na ikinatagpo ng mga una noong Martes ng hapon sa Cotabato City.

 Kinilala ang biktima na sina TJ Tagadaya Macabalang, 30, manager at may-ari ng Stickerwerks at kaibigan nitong si  Wendel Factoral, 32; pawang ng Krislamville, Brgy. Rosary Heights 6 ng lungsod.

Ang Stickerwers ay nagba-buy and sell ng mga behikulo at maging ng mga motorbikes.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagdukot sa mga biktima dakong alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng Gov. Gutierrez Avenue ay nakipagtagpo ang mga ito sa mga kidnaper na nagpanggap na kustomer  na bibili ng behikulo.

Pagdating sa tagpuan ay tinutukan ang mga biktima ng mga suspek ng  baril at puwersahang isinakay sa isang Toyota Innova na hindi naplakahan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya ang kaso at matukoy ang mga suspek.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with