PNP walang quota sa mapapatay na drug pusher
Joy Cantos (Pang-masa) - October 4, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni PNP Chief Police Director General Ronald dela Rosa na walang ibinibigay na quota ang liderato sa mga himpilan ng pulisya sa mga napapatay na drug pushers kaugnay ng pinaigting na anti-drug campaign sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Hindi ‘yung quota na ganito dapat ‘yung mapapatay mo. Kasi may notion na ganoon eh, may quota daw  yung mga units na ganito kadami ang papatayin mo”, ani Dela Rosa na sinabing sa ilalim ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang tanging ang mga nanlalaban lamang ang napapatay.

Ipinaliwanag ni Dela Rosa na ang quota na kanilang itinatakda ng PNP Oversight Committee ay nakadepende sa bilang ng mga sumusuko at naarestong drug personality.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with