Derrick Rose
Mister utas sa robbery/holdup; trader grabe
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 4, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagbuwis ng buhay ang isang 41 anyos na mister matapos nitong ipagtanggol ang kasamang negosyante na nasugatan naman sa insidente makaraang pagbabarilin ng mga holdaper  ang sinasakyan ng mga ito sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Arnold Ramos ng Sampaloc, Maynila dahil sa mga tama ng bala sa likod at tagiliran habang inooperahan naman sa Chinese General Hospital ang ne­gosyanteng si Hector Roldan ng Victoria, Oriental Mindoro na nagtamo naman ng tama ng bala sa tiyan.

Nabigo namang matangay ng  armadong holdaper  ang sling bag na naglalaman ng P150,000 na tumakas sakay ng isang Nissan Sentra na may plakang UEW-804, na minamaneho ng isa pang suspek habang ang P80,000 ng alahas ay natangay.

Sa ulat ni ni SPO1 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 2:25 ng hapon nang holdapin ang mga biktima ng nag-iisang holdaper sa tapat ng Dynamic R. Parts Center na matatagpuan sa no. 2333 Old Antipolo st, corner T. Mapua St. kung saan ay pinagbabaril ang sinasakyan ng mga ito.  Nagsasagawa na ng followup investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with