3 ânarco copsâ patay sa drug ops
Traditional bamboo and wood residence.
3 ‘narco cops’ patay sa drug ops
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - September 3, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang aktibong pulis at isang dating pulis na umano’y mga tulak ng droga ang nasawi nang manlaban ito habang isisilbi ang search warrants sa kanilang mga bahay sa Sultan Kudarat kamakalawa.

Ang tatlong nasawing pulis ay kinilalang sina Mods Salendab Faisal Sidik, na ang tunay na pa­ngalan ay natukoy na si dating SPO2 Lahmudin Salendab; PO1 Toto Alamada ng Brgy. Sinakulay, Pres. Quirino, Sultan Kudarat at PO1 Ryan Mastura.

Batay sa ulat, ay isisilbi sana ng mga otoridad ang search warrants laban sa mga drug suspects at sa halip ay nanlaban sina Salendab at Alamada at napatay ang mga ito.

Narekober sa bahay ni Salendab ang isang unit caliber 9mm UZI sub-machine gun, 38 revolber at mga bala at mga cartridges.

Sumunod namang ni-raid ng pulisya ang bahay ni PO1 Mastura, subalit nanlaban ito na nasugatan na bagaman naisugod pa sa pagamutan ay nabigo ng maisalba ang buhay.

SAN JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with