Kuya dinedo ng utol dahil sa pera
Alma Moreno
Kuya dinedo ng utol dahil sa pera
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - September 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang 51-anyos na lalaki matapos na siya ay saksakin ng nakababatang kapatid matapos na magtalo tungkol sa perang kinupit sa tindahan kamakalawa  sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Carlito Galang, binata ng no. 14 AIB Sagada St., Barangay Sto. Domingo.Habang ang suspek na si Arnel Galang, 48, ay nakaratay sa ospital dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at braso.

Batay sa ulat,bago nangyari ang imbestigasyon dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng bahay ng magkapatid ay nakatalo ng suspek ang isang kapatid na babae na si Angelica Magbanua, 52 dahil sa pagkuha ng una ng pera sa tindahan ng huli.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng patalim si Arnel at sinaksak si Angelica sa dibdib na nakita ng nasawing si Carlito at Christian Magbanua kaya’t rumisponde ang mga ito.

Hinampas umano ni Christian ang suspek sa ulo, pero agad din itong bumawi at sinaksak ang una sa kanang braso.

Sa puntong ito, inupakan naman ni Carlito si Arnel, pero muling gumanti ito at sinaksak sa dibdib ang una

Agad na isinugod sina Carlito at Arnel sa Jose Reyes Memorial Medical Center, pero idineklarang patay ang una.

ALMA MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with