Suicide note isinulat sa sariling dugo
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - I love you to all loving me and I’m sorry , Im give up my self”.

Ito ang iniwang suicide note ng 23-anyos na si Edmark Vicente, truck helper gamit ang kanyang dugo para sa kinakasamang si Jean Gadon na umiwan sa kanya.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang pagbibigti  ng biktima gamit ang sintoron sa kanyang bahay sa 1622 Felix De Leon St., Tondo, Maynila.

Dinatnan pa ng mga otoridad ang mga nakasulat sa pader na suicide note sa pamamagitan ng dugo mula sa nilaslas nitong pulso.

Isang pang suicide note ang nakita ng mga pulis na may nakasulat na: “Ang kirot dapat mefenamic ang inumin, Jean Gadon. Paalam na Ingat ka na lang palagi Super Mahal Kita.  Sana tumagal kayo ng bago mo. Nagmamahal, asawa ko”.

Lumabas sa imbestigasyon nagsama ang biktima at ang live-in partner sa loob ng isang taon at nang mag-away at naghiwalay ay umuwi sa magulang sa Cavite ang babae.

Sinuyo pa noong Agosto 16 ng biktima ang live-in partner nang dalawin sa Cavite upang hikayatin na sila ay magsamang muli, subalit umuwing bigo ang biktima.

Napapansin na rin umano ng mga kapitbahay ang madalas na malungkot ang biktima hanggang sa madiskubre kahapon ang pagbibigti nito.

ALMA MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with