NCRPO full alert na sa SONA
Joy Cantos (Pang-masa) - July 24, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – All systems go!

Upang matiyak ang seguridad, isinailalim na sa full alert status ang buong puwersa ng National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng gaganaping kauna-una­hang State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Lunes (Hulyo 25) sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.

Ayon kay NCRPO Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde, handang -handa na ang kanilang hanay sa SONA ng Pa­ngulo na pinakaabangan ng taumbayan at maging ng mga opisyal ng gobyerno.

Nabatid na aabot sa kabuuang 16,900 pulis ang kanilang ide-deploy sa SONA  na gaganapin sa Bataan Complex, Quezon City kung saan mayor­ya sa nasabing puwersa ay ipakakalat sa Lunes sa bisinidad ng venue at mga istratehikong lugar .

“We are on full alert, accounting of our personnels has been conducted this morning (Saturday) and will continue until such a SONA on Monday “,pahayag ng opisyal.

“So far all systems go na tayo”, ani Albayalde na sinabi pang nasa 6,720 uniformed police personnels and ide-deploy sa bisinidad ng Bataan at Commonwealth Avenue  para mapanga­lagaan ang seguridad ng Pangulo, mga VIP at iba pang dadalo sa okasyon. Ang iba namang puwersa ay ipakakalat sa iba pang mga lugar kabilang sa palasyo ng Malacañang.

Sinabi ni Albayalde na bagaman wala naman silang natatanggap na mga ulat hinggil sa mga bayolenteng kilos protesta ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras.

Ayon pa kay Alba­yalde, walang inaasahang mga bayolenteng aktibidad mula sa hanay ng mga raliyista ang PNP sa pagdaraos ng SONA dahilan karamihan sa mga ito ay mga suppor­ters mismo ni Pangulong Duterte.

“We also have contingency measures just in case the President allows.... them to move near the Batasan gate. That will depend on the instructions of the President,” dagdag pa nito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with