Drug test sa mga solon, maging ang kanilang staff
Gemma Garcia (Pang-masa) - July 12, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Posibleng magkaroon na ng regular drug test sa mga kongresista at kanilang mga staff.

Ito ay nang sang-ayunan ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez ang suhestiyon ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na isalang sa drug test ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Sa gitna na rin ito ng mahigpit na kampan­ya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

Ayon kay Alvarez, suportado niya ang drug test para matiyak na drug free ang Kamara at magbibigay ito ng magandang halimbawa sa mga tanggapan ng gobyerno pati na sa publiko.

Subalit, balak ni Alvarez na kunin muna ang consensus ng mga kapwa kongresista kung dapat itong gawing mandatory at kakausapin niya ang mga ito matapos ang SONA sa Hulyo 25.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with