3 drug pusher tiklo sa P4-M shabu
Joy Cantos at Lordeth Bonilla (Pang-masa) - June 8, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga otoridad ang tatlong pinaghihinalaang big time drug pushers  at nasamsam sa mga ito ang apat na kilong shabu sa isinagawang magkakahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Parañaque City kamakalawa at kahapon ng umaga.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Amatonding Noroden Alap, 35; Mustapha Batonggara, 47; at Binnor Macabato, 19; pawang residente ng lungsod ng Maynila.

Bago naaresto ang  mga suspek dakong alas-10:40 ng gabi ng mga operatiba ng CIDG sa  kahabaan ng Bradco Avenue, Brgy. Tambo sa harapan ng Asean Tower Station Building sa Baclaran, Parañaque City ay nagpositibo ang impormasyon ng CIDG operatives hinggil sa pagkakasangkot ng mga suspek sa talamak na pagtutulak ng droga at  ikinasa ang buy bust operation.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos dakpin ng mga otoridad sa aktong iniaabot ang droga na binibili ng ka-deal ng mga itong poseur buyer ng CIDG sa halagang P500,000 kada isang kilo at nasamsam pa ang dalawang malalaking plastic na naglalaman ng 3.2  kilo ng shabu  na nagkakahalaga ng P 15 milyon.

Ayon sa opisyal ang isang kilo ng metamphetamine hydrochloride ay nagkakalaga naman ng P5 milyon.

Nang magsagawa ng follow-up operations kahapon ng umaga ay nakasamsam pa ang otoridad  ng karagdagang 800 pang gramo ng shabu at sa kabuuan ay umaabot sa 4 kilo ng shabu ang nakumpiska.

SALOME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with