_pang-masa
^

Police Metro

Drug pusher itinumba

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang lalaki na pinaniniwalaang drug pusher ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa isang kalye sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kamakalawa.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Jonathan, alyas Atan, nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’3”, nakasuot ng kulay itim na t-shirt, brown na slacks short pants, maroon na ball cap, slippers, katamtaman ang katawan, at karaniwan ang kulay ng balat.

Nabatid na dakong alas-3:30 ng hapon nang barilin ang biktima sa tabi ng isang bahay na matatagpuan sa no. 266 Liwanag St., Brgy. Old Balara, QC.

Sabi ng isang residenteng si Florencio, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas.

Sa pagsisiyasat ng otoridad sa crime scene ay narekober sa katawan ng biktima ang isang plastic sachet ng shabu,isang kalibre 99mm baril na may limang bala.

CEBU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with