^

Police Metro

Sandiganbayan naghigpit sa mediamen

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng isang pahinang guidelines ang Chief Sherrif and Security Division ng Sandiganba­yan para sa mga nagkokober na mediamen dito.

Sa ipinalabas ni  Albert dela Cruz, acting chief ng nasabing division ay nagsasaad na limitado na ang oras at bahagi ng Sandiganbayan kung saan maaari lang manatili ang mga taga media.

Nabatid na alas-8:00 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon lang maaa­ring manatili sa paligid ng anti-graft court ang mga accredited news repor­ters at kanilang crew at pinagbawalan na rin ang mga mamamahayag na pumasok o lumabas sa pintuan sa likurang bahagi ng gusali.

Sinabi pa ni Dela Cruz na ang access privilege sa mga mamamahayag ay maaaring suspindehin sa tuwing sila ay nasa heigh­tened period of security.

Ipinagbabawal na rin na manatili ang mga mamamahayag sa corrigidor o pasilyo ng gusali na malapit sa mga security posts at maaari lamang tumambay sa canteen o dining hall ang mga ito.

Wala naming binanggit na dahilan si Dela Cruz sa pagpapalabas ng bago nilang abiso sa mga mediamen.

vuukle comment

OPLAN GALUGAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with