Family outing nauwi sa trahedya
Francis Elevado (Pang-masa) - May 30, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Napalitan ng pagluluksa ang masaya sanang pagbabakasyon ng isang pamilya matapos na malunod sa ilog habang naliligo ang kanilang padre de pamilya sa  isang kilalang lugar sa Caramoan, Camarines Sur kamakalawa.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Juanito Clemente, 54, negosyante, at residente ng Valenzuela City makaraang ito ay malunod sa Sohoton River na matatagpuan sa Barangay Paniman-Caramoan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:45 ng umaga ay nagtungo ang pamilya Clemente sa lugar na dinarayo ng mga turista para sa kanilang family outing.

Napunta ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at huli nang ito ay mapansin ng pamilya na humingi ng tulong.

Mabilis na sumaklo ang isang mangingisda na nakilalang si Boyet Beato, 48 at iniahon ang biktima na dinala sa Caramoan Municipal Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival.

RICHARD BRANSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with