Lover ni misis, tinodas ni mister
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - May 18, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang isang obrero matapos barilin ng isang lalaki na pinaniniwalaang  mister ng  umano’y kanyang kabit  sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si  Nelson Antonio, 43 ng no. 322 I. Tuazon St. Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ang suspek na sinasabing mister ng umano’y kalaguyo ni Antonio na inilarawang nasa pagitan ng edad 30-35, may taas 5’4”, kayumanggi, malaki ang katawan at may tattoo na tribal sa magkabilang braso.

Tumanggi namang  ibunyag ng  pulisya ang pangalan ng babaeng  sinasabing karelasyon ng  biktima.

Batay sa ulat, ilang araw bago maganap ang krimen ay nakakatanggap ng death threat ang biktima sa kanyang cellphone at hinala na galing sa mister ng kanyang kabit matapos makara­ting dito na sila ay may relasyon ng misis nito.

Bago nabaril ang biktima ay nagpaalam ito sa kanyang asawa na pupunta lamang sa kanyang kaibigan para pag-usapan ang kanilang gagawing trabaho, su­balit pagsapit sa kanto ng  Tuazon at Wagas Sts. ay sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa ulo.

 

SOUTHERN LUZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with