^

Police Metro

Kapag dinaya ang resulta ng eleksyon... Comelec chair atbp., itutumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bbinabalak umanong itumba ng isang armadong grupo si Co­melec Chairman Andres Bautista, mga komisyoner at opisyal ng Smartmatic at iba pa kapag minapula ang resulta ng eleksyon sa Mayo 9.

Sa ipinosteng video sa facebook ng grupo  na mga nakasuot ng camouflage uniform ng AFP at armado ay ipinaabot nila ang ma­tinding babala laban sa mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan.

“Mariing ipinaabot namin sa sambayanang Pilipino lalong lalo na kay Chairman Andres Bautista at kanyang mga commissioners ng Co­melec, Smartmatic at ang pamahalaan ang isang mahigpit na babala na kaparusahang kamatayan ang igagawad namin  sa sinumang hahadlang sa tunay na kapasyahan sa halalan 2016 ng samba­yanang Pilipino”, mariing banta ng grupo.

Sinabi ng mga ito na binaligtad na nila ang bandila upang ipahiwatig  na ang bansa ay nasa kalagayan ng digmaan, isang uri ng digmaan laban sa mga nais umanong yurakan at wasakin ang nalalabi pang simbolo ng demokrasya sa ating bansa na dili iba at ang sagradong balota at halalan.

Binantaan din ng nasabing grupo maging ang mga korporasyong nagsu-survey na huwag iligaw at linlangin ang sambayanang Pilipino dahilan lamang sa malaking halaga ng pera  dahil kung hindi ay papatawan rin ang mga ito ng parusang kamatayan.

 “Ang Armed For­ces of the Philippines o Sandata­hang Lakas ng Pilipinas ay tagapagtangol ng sambayanang Pilipino at ng estado, ang kanyang soberenya at integridad ng kanyang teritoryo. Kami ay binuo at pinanday mula sa mga piling makaba­yang uring mandirigmang Pilipino, binuo bilang tagapagtangol ng inyong karapatan at kapakanan”, ayon pa sa mga ito.

Binigyang diin ng mga ito na dapat umiral ang tinig ng samba­yanan upang maluklok sa kapangyarihan ang mga lider na kanilang ibinoto at hindi yaong mga huwad dahilan lamang umano sa sabwatan ng pandaraya ng Comelec at Smartmatic.

 Ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga armadong lalaki na nasa video.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with