Holdaper na tumatakas nahulog sa bangin, patay
Joy Cantos (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang pinaghihinalaang holdaper sa paanan ng 250 metrong malalim na bangin sa  hangganan ng Springhills at Loakan Apugan, Baguio City kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng hapon nang madiskubre ng manga­ngahoy na si Tito Tino ang naagnas na bangkay ng hindi pa nakilalang suspek sa Purok 3, Happy Hallow, Springhills sa Loakan Apugan ng lungsod.

Ang bangkay ay nakasuot ng kulay asul na pantalon, magkahalong pula at itim na scarf o balabal, tinatayang nasa pagitan ng 25-30 taong gulang at may taas na 5’3”.

Nakuha naman ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) team ang isang Cherry mobile phone, dalawang piraso ng tig P500.00, dalawang piraso ng tig P 100.00, kulay kayumangging pitaka at isang suklay.

Positibo namang kinilala ni Allen Hill Widwidan, isa sa mga naging biktima ng suspek na ito ang nangholdap sa kaniya sa pamamagitan ng suot nitong damit at hitsura dakong alas-10:30 ng gabi sa nasabing lugar noong Enero 31, 2016.

Pinaniniwalaan namang nadulas sa pagmamadaling tumakas ang suspek kaya nahulog sa bangin.

ACIRC ALLEN HILL WIDWIDAN ANG BAGUIO CITY BATAY ENERO HAPPY HALLOW LOAKAN APUGAN SCENE OF THE CRIME OPE SPRINGHILLS TITO TINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with