^

Alunan: Pumili ng mahusay at matinong kandidato

(Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hinimok ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael “Raffy” Alunan III ang  sambayanang Pilipino na pumili ng mahuhusay at matitinong kandidato upang magkaroon ng positibong pagbabago sa bansa at matamasa ng susunod na mga he­nerasyon ang Pambansang kaga­lingan.

Tumatakbong independiyenteng senador si Alunan na ang layunin ay makatulong sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa bansa taglay ang malawak na karanasang natamo sa publiko at pribadong sektor.

‘Basehan ang batas at kaayusan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito upang mamuhay nang mapayapa at malaya. Ang maunlad na ekonomiya ang pundasyon ng ating progreso at pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon,” paliwanag ni Alunan.

Para kay Alunan, na­pakahalaga na mapabuti ang pamamahala upang makaahon sa kahirapan ang mamamayan.

ACIRC ALUNAN ANG BASEHAN DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT HINIMOK PAMBANSANG PILIPINO RAFFY SECRETARY RAFAEL TUMATAKBONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with