Purisima kinasuhan sa Mamasapano
Angie dela Cruz (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman si dating PNP Chief Alan Purisima kaugnay ng madugong Mamasapano incident noong nagdaang taon.

Sa pitong pahinang reklamo, sinabi nina VACC chairman Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topacio, dapat maimbestigahan si Purisima sa kasong usurpation of official functions na nasasaad sa ilalim ng  Article 177 of the Revised Penal Code (RPC) kaugnay ng insidente.

Ang kaso ay nag-ugat sa umanoy pakikiisa ni Purisima sa pagpaplano at pagpapatupad ng operasyon ng PNP-Special Action Force (SAF) sa  Mamasapano Maguindanao noong Enero 25, 2015 na tinawag na Oplan Exodus para lansagin ang mga high-profile terrorists kabilang na si Malaysian bomb maker Zulkifli bin Hir alias Marwan.

Anila, noong panahong iyon, nasa preventive suspension si Purisima matapos suspendihin ng Ombudsman upang bigyang daan ang imbestigasyon sa kasong graft na naisampa dito may kinalaman sa maanomalyang PNP contract sa isang courier company.

Ayon sa  VACC ,dalawang beses nagkasala sa batas si Purisima, una noong makiisa ito sa briefing tungkol sa Oplan Exodus sa Malakanyang noong Enero 9, 2015 at ang palitan nila ng text messages ni Pangulong Noynoy Aquino at ilang military officials noong panahon ng actual implementation  ng operas­yon.

CHIEF ALAN PURISIMA DANTE JIMENEZ ENERO FERDINAND TOPACIO MAMASAPANO MAGUINDANAO OPLAN EXODUS PANGULONG NOYNOY AQUINO PURISIMA REVISED PENAL CODE SPECIAL ACTION FORCE VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with