Lider ng porter sa Balintawak market inutas
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang lider ng porter sa Balintawak market ang nasawi nang ito ay barilin sa sentido ng kanyang kasama kahapon sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Joel Bulan, 41, may-asawa at stay-in sa MGP Market na matatagpuan sa 1165 Edsa, Brgy. Apolonio Samson, Balin­tawak sa lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si alyas Bato, porter sa MC Market.

Batay sa ulat, ganap na alas 11:30 ng umaga ay naglalaro ang biktima sa isang computer shop nang ito ay lapitan ng suspek at walang kaabog-abog na binaril nang malapitan sa sentido.

Tumakas ang  suspek nang matiyak na patay na ang biktima.

Ang MC market sa Balintawak ang isa sa walong kontrobersyal na palengke na planong ipasara ng lokal na pamahalaan dahil sa maraming paglabag kabilang na ang kali­nisan.

ACIRC ANG APOLONIO SAMSON BALIN BALINTAWAK BATAY BATO BRGY EDSA JOEL BULAN QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with