Tinedyer tinodas sa harap ng tatay at kapatid
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ang isang 19-anyos na tined­yer sa harap mismo ng kanyang tatay at kapatid na babae habang magli­ligpit ng kanilang paninda kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasawi noon din si Wildreb Beltran, vendor dahil sa dalawang tama ng bala ng kalibre 45, sa ulo at katawan.

Hindi pa kilala ang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket, maong na pantalon at nakasuot ng bull cap na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi sa palengke na matatagpuan sa Commonwealth A­venue, partikular sa harap ng UCPB  sa Brgy. Old Balara, Quezon City ay kasama ng biktima na nagtitinda ng gulay sa kariton ang kanyang tatay na si Mang William at kapatid na si Avy sa nasabing lugar.

Dahil wala nang bumibili ay nagpasya sila na magligpit at makauwi sa kanilang bahay nang sumulpot ang salarin na inakala nilang kustomer at lumapit sa biktima at biglang pinagbabaril ito.

Nagtataka naman si Mang William kung bakit pinaslang ang anak, ga­yong wala naman umano itong nalalamang kaaway at wala rin itong bisyo.

 

ACIRC AVY BATAY BRGY COMMONWEALTH A DAHIL MANG WILLIAM NAGTATAKA OLD BALARA QUEZON CITY WILDREB BELTRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with