2 bangkay nahukay sa bahay ng drug pusher
Danilo Garcia (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nahukay ng mga otoridad ang bangkay ng dalawang lalaki sa bahay ng isang kilalang drug pusher sa Caloocan City, kamakalawa.

Ang mga bangkay ay kinilalang sina Reynaldo Velasco, 62, ng Block 10, Lot 7, Section 8 Phase 1 Muzon, Pabahay 2000, San Jose del Monte, Bulacan at isang alyas “Reginald”.

Nabatid na nakatanggap ng text message ang isang tauhan sa Tala Police Community Precinct mula sa isang concerned citizen at isinumbong ang nasaksihan na pagbabaon sa lupa sa dalawang bangkay sa unang palapag ng bahay ni Khalid Moda sa may Phase 12 Brgy. 188 Tala.

Kaya’t nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Caloocan City Police-North Extension Office dakong alas-10:00 ng Miyerkules ng umaga at  inabutan si Moda.

Dito ay napansin ang kumpol ng lupa na tila bagong hukay at nang hukayin ay nadiskubre ang nabubulok nang mga bangkay ng mga biktima na may masking tape ang mga bibig at may tama ng bala.

Nagsagawa ang pulisya ng manhunt operation laban kay  Moda na kilalang sangkot sa isang sindikato ng iligal na droga na unang naaresto. nitong Oktubre ngunit nakalabas rin ng kulungan nang makapagpiyansa.

Huling nakitang buhay ang dalawa na magkaangkas sa isang motorsiklo nitong Enero 28 at hindi na muling nakontak.

Inamin naman ng mga kaanak na dati na ring nasangkot sa iligal na droga ang biktimang si Velasco.

ANG BRGY BULACAN CALOOCAN CITY CALOOCAN CITY POLICE-NORTH EXTENSION OFFICE KHALID MODA MGA MODA REYNALDO VELASCO SAN JOSE TALA POLICE COMMUNITY PRECINCT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with