Van vs 3 sasakyan: 3 todas
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasawi noon din ang tatlong katao sa naganap na karambola ng apat sasakyan sa national highway ng General Santos City, kahapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alfonso Benitez; Jaime Pendehito; at Ryan Bedano.

Malubhang nasu­gatan naman sina Ryan Gentica; John Phillip Abatayo; Leonido Villanueva Jr., Rodolfo Barbo at tatlong hindi pa nakikilala.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga ay mabilis umano ang takbo ng isang passenger van na minamaneho ni Dillido Labasan at dahil madulas ang kalsada ay umikot hanggang sa bumangga sa kasalubong na traysikel.

Bukod dito ay nasalpok din ang motorsiklo at sumalpok uli sa isa pang traysikel.

Kusang loob na sumuko sa otoridad ang driver ng van at iginiit nitong madulas ang kalsada.

Ang driver ng van ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damage to properties.

ACIRC ALFONSO BENITEZ ANG DILLIDO LABASAN GENERAL SANTOS CITY JAIME PENDEHITO JOHN PHILLIP ABATAYO LEONIDO VILLANUEVA JR. RODOLFO BARBO RYAN BEDANO RYAN GENTICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with