Kandidatura ni Binay suportado ng kampo ni Erap
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matapos bawiin ang kanyang kandidatura bilang tatakbong presidente sa 2016 elections ay nagpahayag naman ng  suporta  si Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) standard-bearer Romel Mendoza sa kandidatura  sa pagkapangulo ni  Vice President Jejomar Binay.

Si Mendoza na secretary general ng multi-sectoral group ng  Kalipunan ng Masang Pilipino (Kampil), na kaalyado  ng PMP ay nagbigay ng  suporta kay Binay na standard bearer  ng United Nationalist Alliance (UNA).

Kabilang sana si Mendoza sa mga presidentiables  kasama sina Binay, Liberal Party standard-bearer Manuel Roxas II, Sen. Grace Poe, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at OFW Family party-list Rep. Roy Señeres.
Si Mendoza ang naghain ng  certificate of candidacy  sa pagkapangulo bilang reserba sakaling tumakbo bilang pangulo muli si Estrada.

Nagpasalamat naman si Mendoza sa Commission on Elections sa  pagkilala sa kanyang kandidatura  base sa kanyang kuwalipikasyon.

Naniniwala si Mendoza na may sapat na kakayahan si Binay at hindi umano maikakaila ang professional track record  nito na pamunuan ang bansa.

Sinabi naman ni Estrada, hindi niya kilala si Mendoza at hindi niya alam na  tumakbo ito  sa pagkapangulo at nalaman lang nito na si Senador Jinggoy Estrada ang   umano’y naging kausap nito sakaling magdesisyon siya na tumakbo sa pagkapangulo.

BINAY DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE GRACE POE LIBERAL PARTY MANUEL ROXAS MASANG PILIPINO MENDOZA MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO NBSP ROMEL MENDOZA SI MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with