Drug dependent nagpakamatay sa simbahan
Mer Layson (Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang binata na kalalabas lang sa drug rehabilitation matapos itong tumalon mula sa tuktok ng simbahan kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Julius Haboc, 28, binata, barker at residente ng 646 Sitio 11, Brgy.San Jose ng lungsod.

Batay sa ulat, bago ang ginawang pagta­lon ng biktima mula sa tuktok ng isang tatlong palapag na simbahan ng San Felipe Parish Church, Barangay Poblacion, dakong alas-4:20 ng madaling araw ay unang tinangka nitong tumalon sa isang konkretong poste ng Meralco sa P. Cruz St., kanto ng Boni Avenue, subalit naagapan ito ng mga miyembro ng Bantay Bayan.

Ilang minuto ay pumasok ng simbahan ang biktima na hindi pi­nigilan sa pag-aakala ng mga tao na nais lamang nitong magdasal.

Subalit, sa halip na magdasal ay nagtungo sa roof top ang biktima at saka tumalon.

Nabatid na ang biktima ay  isang drug dependent at kalalabas lamang ng drug rehabilitation center noong nakaraang buwan.

ACIRC ANG BANTAY BAYAN BATAY BONI AVENUE BRGY CRUZ ST. JULIUS HABOC MANDALUYONG CITY SAN FELIPE PARISH CHURCH SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with