Oil tanker nagliyab: 7 utas
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - January 31, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pito-katao kabilang ang mag-asawa at anak ang namatay matapos su­yurin ng oil tanker ang tatlong kabahayan sa binisinad ng Barangay Lale sa bayan ng Pinabacdao, Samar, kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay ang mag-asawang sina Michael Buenavides, 20; Maryjoy Buenavides,18; anak  nilang 6-buwang gulang; at si Angela Buenavides Baludo na mga nakatira sa nasabing barangay.

Patay din ang driver ng truck at dalawang pahinante na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.

Hindi naman nabatid ang bilang ng mga nasugatan sa naganap na insidente.

Sa police report ng Samar Provincial PNP Office, sinasabing nawalan ng preno ang truck kaya nahulog sa kaliwang bahagi ng kalsada saka inararo ang tatlong bahay kung saan tulog ang pamil­ya Buenavides sa kanilang bahay.

Nagliyab pa ang truck kaya nadamay ang tatlong kabahayan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ACIRC ANG ANGELA BUENAVIDES BALUDO BARANGAY LALE BUENAVIDES KABILANG MARYJOY BUENAVIDES MICHAEL BUENAVIDES NAGLIYAB PATAY SAMAR PROVINCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with