2 dayuhan napitasan ng hikaw at kwintas
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 30, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Walang sinasanto ang mga rugby boys matapos nitong pitasin ang gintong hikaw at kwintas ng magdyowang Polish at Indian nationals sa magkahiwalay na nakawan sa Maynila noong Biyernes ng hapon.

Sa reklamong idinulog sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section ng biktimang si Joanna Sychovics, 26, tubong Poland, civil engineer at nanunuluyan sa Adriatico, Malate, Maynila, habang nagla­lakad sila ng nobyong si Maciej Michalek sa Soler Street, Binondo, Maynila nang biglang hablutin ang kaniyang hikaw.

Dahil sa paghingi ng saklolo sa mga tao ay nadakip naman ang suspek na si Val Catucod, 29, subalit hindi na narekober ang hikaw na posibleng ipinasa sa kasamahan.

Samantala, bandang alas-6 ng hapon nang agawan naman ng kwintas si Apeorsia Hanne, 22,  estudyante, at nanunuluyan sa UPHSD Dormitory sa Las Piñas City.

Naglalakad sa gilid ng Indian Temple sa Paco, Maynila nang hablutin ng suspek ang suot niyang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P20,000.

Sinasabing nagkalat na mga rugby boys na may hawak na maliit na plastic bag ang gumawa ng dalawang snatching dahil sa paglalarawan ng mga biktima.

Nagbubulagbulagan naman ang pamunuan ng MPD sa mga nagkalat na rugby boys na salot sa pag-unlad ng Maynila.

ACIRC ANG APEORSIA HANNE INDIAN TEMPLE JOANNA SYCHOVICS LAS PI MACIEJ MICHALEK MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION MAYNILA SOLER STREET VAL CATUCOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with