Jailguard nag-amok: 1 patay, 6 sugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - January 30, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isa ang napatay habang anim naman ang nasugatan makaraang mag-amok ang isang jailguard nang mamaril sa burol ng patay kamakalawa ng gabi sa Barangay San Jose, Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang napaslang na si Rolando Norberto habang pinaghahanap naman ang suspek na si Jail Officer 1 Roderick Escat.

Sugatan naman sina Eusebio Escat ,45; utol ng suspek; Segundo Escat, 78, tiyuhin ng suspek; Dominador Soliven, 52; Romelo Norberte, 47; Efren Quinones, 49; at si Rommel Norberto.

Sa ulat ng Panga­sinan PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa lamay na namatay na si Marcela Soliven sa Zone 4 A dakong alas-10:15 ng gabi.

Kasalukuyang nag­luluksa ang pamilya at mga kaibigan ng mga Soliven nang bigla na lamang magwala at mamaril si JO1 Escat.

Ang nasabing karahasan ay tumagal lamang ng ilang minuto bago tumakas ang suspek habang narekober sa crime scene ang  mga basyo ng bala ng cal 9mm pistol.

Samantala, lumilitaw naman sa pagsisiyasat na lumang alitan ang motibo sa pamamaril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ACIRC ANG BARANGAY SAN JOSE CAMP CRAME DOMINADOR SOLIVEN EFREN QUINONES EUSEBIO ESCAT JAIL OFFICER MARCELA SOLIVEN RODERICK ESCAT ROLANDO NORBERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with