Mag-ama, pulis, 10 pa tiklo sa droga
Joy Cantos, Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nadakip sa isang buy bust operation ang mag-amang Diosdado Orbina, 55;anak na si Diam, 32 at dalawang parukyano na sina Joenne Agtina, 36, may-asawa; at Jonjon Ragon, 32, binata naganap kamakalawa sa Quezon City.

Nabatid dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust ang mga pulis sa bahay ng mag-amang Orbina na matatagpuan sa no. 33 Old Sto. Niño St., Barangay San Antonio nang magpanggap na poseur buyer ang isang pulis na bibili ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nang magkaabutan ng items ay doon na inaresto ang mga suspek.

Bago ang operasyon ay anim na buwan umanong minanmanan ng tropa ang bahay ng mag-ama matapos ang nakuhang impormasyon sa pagiging drug den ng bahay na ang karamihan na parokyano ay mga jeepney at taxi  drivers.

Samantala, isang pulis at walo pa nitong kasama ang naaresto rin sa drug bust kahapon ng madaling araw sa Marilao, Bulacan.

Ang nasakoteng pulis ay kinilalang si PO1 Franco Nero Sagudang, kasapi ng Regional Public Safety Battalion (RPSB); Richard Aguado; Victor De Guzman; Allan Coronel; Christoper Lumangyao;Jetro Bentor; Dennis De Castro; Ma. Lourialliene Caringal; at Alex Mahistrado.

Sa ulat,bandang alas-12:30  ng madaling araw nang magsagawa ng drug bust operation ang mga operatiba ng pulisya sa Socorro Subdivision, sa Brgy.Abangan Norte, Marilao ng lalawigan at dito ay hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na maaktuhan na nagsasagawa ng pot session.

ABANGAN NORTE ALEX MAHISTRADO ALLAN CORONEL ANG BARANGAY SAN ANTONIO CHRISTOPER LUMANGYAO DENNIS DE CASTRO DIOSDADO ORBINA FRANCO NERO SAGUDANG JETRO BENTOR JOENNE AGTINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with