^

Police Metro

Tinedyer tumilapon sa motor, patay sa sagasa

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay ang isang 14-anyos na tinedyer matapos na siya ay masagasaan ng van nang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo na nabangga naman ng kasalubong na motorsiklo kamakalawa sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rosalito Norcio, residente ng Barangay Commonwealth sa lungsod. Habang  sugatan ang kasama nitong sina Carlo Somande, 15; at Rex Tap­lina, 15, driver ng sinasakyan nilang Yamaha motorcycle (TE-3810); at Roger Malasaga, miyembro ng Barangay Public Sefety Offiicer ng Fairview, at driver naman ng isang pang motorsiklo.Tumakas naman ang dri­ver ng L-300 van.

Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon sa kahabaan ng Regalado A­venue Extension, kanto ng Liric St., West Fairview ay binabaybay ng Yamaha motorcycle na minamaneho ni Taplina angkas sina Norcio at Somande at pagsapit sa nasabing lugar ay nagloko ang makina at nabundol ng motorsiklo  ni Malasaga.

Tumilapon si Norcio at bumagsak ito sa kalye na siya namang pagdating ng L-300 van at nasaga­saan ito.

ACIRC

BARANGAY COMMONWEALTH

BARANGAY PUBLIC SEFETY OFFIICER

CARLO SOMANDE

LIRIC ST.

NORCIO

QUEZON CITY

REGALADO A

REX TAP

ROGER MALASAGA

ROSALITO NORCIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with