Paglibre sa tax kay Pia, isusulong
Gemma Amargo-Garcia (Pang-masa) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isusulong ng liderato ng Kamara na maipasa ang panukalang ‘tax exemption’ para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., posibleng palusutin ng Kapulungan ang House Bill 6367 na layong ma-exempt sa pagbubuwis ang lahat ng mga napanalunan, perks at maging ang korona ni Wurtzbach.

Ang nasabing panukala ay inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na nauna nang umapela sa mga Kongresista na pagtibayin ang panukala para sa tubong-CDO na si Wurtzbach.

Sinabi ni Belmonte na suportado niya ang panukala ni Rodriguez, lalo’t pinaghirapan at inspiring ang tagumpay ng kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

ANG AYON BELMONTE HOUSE BILL HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR. ISUSULONG MISS UNIVERSE ORO REP PIA WURTZBACH RUFUS RODRIGUEZ WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with