_pang-masa
^

Police Metro

P-Noy bibigyan ng award ang SAF 44

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bukas ay gagawaran na ng posthumous award ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang nasawing 44 miyembro ng  Special Action Force (SAF) commandos na nagbuwis ng buhay sa paglipol sa international terrorist sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao  kasabay ng  ika-1 taong anibersaryo ng kanilang kamatayan sa gaganaping seremonya sa Camp Crame.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt.Wilben Mayor, itinakda ang “Commemoration  of Heroism of the Gallant SAF 44”, na dadaluhan ni P-Noy bilang tagapagsalita at panauhing pandangal sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame.

Ang pagpaparangal sa SAF 44 troopers ay igagawad ng punong ehekutibo, isang taon matapos ang madugong pagbubuwis ng mga ito ng buhay sa pag-neutralisa sa international Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan, isang Malaysian sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

CAMP CRAME HEROISM OF THE GALLANT JEMAAH ISLAMIYAH MAGUINDANAO MAMASAPANO MULTI PURPOSE HALL OPLAN EXODUS PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO SPECIAL ACTION FORCE SPOKESMAN CHIEF SUPT WILBEN MAYOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with