Totoy napagalitan ng tatay, nagbaril
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 21, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 12-anyos na batang lalaki nang magbaril ito sa sarili matapos mapagalitan ng ama dahil sa hindi pagpasok sa paaralan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Ivan Chua, Grade 8 pupil, at residente ng No. 117 Gumamela Street, Araneta Village, Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:30 ng gabi nang umuwi ang mga magulang ng biktima na sina Mark Jason Chua, 44, at kanyang misis matapos na sunduin ang 11-anyos  na anak na babae sa paaralan.

Agad umanong pinagalitan ni Chua ang anak nang malaman nito na hindi pumasok sa paaralan gayung magaling na ito sa kanyang karamdaman matapos lumiban ng dalawang araw dahil sa pagsusuka at pagtatae.

Nang pumasok sa kuwarto ang tatay ay  nakarinig ito ng putok ng baril buhat sa garahe kaya’t pinuntahan nito at nakita ang anak na naliligo sa sariling dugo sa passenger seat ng kanilang sasakyan.

Isinugod ng pamilya ang bata sa MCU Hospital kung saan ito nalagutan ng buhay dahil sa tama ng bala sa sentido.

ANG ARANETA VILLAGE BATAY BRGY CHUA GUMAMELA STREET ISINUGOD MALABON CITY MARK IVAN CHUA MARK JASON CHUA NANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with