^

Iniwan ng misis, mister nagbigti sa flyover

Mer Layson (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa ilalim ng flyover matapos hindi matanggap ang ginawang pag-iwan ng kanyang misis na naganap kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Kinilala ang biktima sa alyas Eric, isang sca­venger sa Ortigas Ave. Brgy. Ugong, Pasig City.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madiskubre ng isang Michael Uga­yon, 33,  isa ring sca­venger ang bangkay ng biktima na naka­bigti sa ilalim ng flyover.

Sa salaysay ni Uga­yon, mula nang iwan ang biktima ng kanyang misis na sumama sa ibang lalaki ay naging malungkutin na ito, tulala at malayo ang iniisip kaya’t ito ang posibleng dahilan nang pagpapakamatay nito.

Nakakuha rin ang mga tauhan ng SOCO ng kapirasong papel na sulat kamay ng biktima na may katagang...LOVE, LOVE, LOVE.

ACIRC ANG BATAY BRGY ISANG KINILALA MICHAEL UGA NAKAKUHA ORTIGAS AVE PASIG CITY UGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with