^

Mister inakalang nambastos, tinodas

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - January 17, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napaslang ang 40-anyos na mister na inakalang nambastos matapos itong saksakin sa leeg ng hindi kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Austria Steet, Novaliches sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Naisugod sa Hope General Hospital subali’t idineklarang patay ang biktimang si Florante Morales ng Mabini Street sa Barangay Forbes, Tondo, Pangasinan.

Tumakas naman ang suspek na may kasamang babae na naka-pulang t-shirt, naka-short at bullcap.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jogene Hernandez, umiinom ng alak ang biktima at suspek sa magkahiwalay na mesa sa loob ng videoke bar kung saan inakala ng babae na binastos siya ng biktima.

Gayon pa man, nilapitan ng suspek ang biktima na sina­sabing nambastos sa kasamang babae saka ito sinaksak sa leeg bago tumakas.

ACIRC AUSTRIA STEET BARANGAY FORBES FLORANTE MORALES GAYON HOPE GENERAL HOSPITAL JOGENE HERNANDEZ MABINI STREET NAISUGOD NAPASLANG QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with