^

Police Metro

Mister dinedo sa kompyuteran

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ang isang 64-anyos na lalaki ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang ito ay nagkukompyuter sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na si  Fernando Astorga, contractor, may-asawa ng 16-A, Lañada St., Barangay Commonwealth sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay abala ang biktima sa pagko-computer sa kanyang bahay nang dumating ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki na huminto sa lugar.

Bumaba ang angkas at pinasok ang biktima at walang kaabug-abog na pinagbabaril at nang masigurong patay na ay tumakas ito at sumakay sa kasamahang nakamotorsiklo na naghihintay sa labas at tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen.

ANG

ATILDE

BARANGAY COMMONWEALTH

BATAY

BIKTIMA

BUMABA

FERNANDO ASTORGA

NAMATAY

PATULOY

PINAGBABARIL

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with