^

Quezon City drug raid: 75 katao naaresto

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - January 8, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasa 75 katao na hinihinalang sangkot sa mga iligal na droga ang inaresto ng mga otoridad sa isinagawang drug operation sa Barangay Batasan Hills, Quezon City kahapon ng umaga.

Sinabi ni P/Supt. Robert Sales, commander ng QCPD Station 6, ang operasyon ay isinagawa base sa ipinatupad na “Oplan Bulabog/Galugad” at kabilang sa mga naaresto ay 12 babae at 63 lalaki na ang  pinakabata ay 16-anyos na pawang mga gumagamit ng iligal na droga.

Nabatid na alas-8:30 ng umaga nang simulan ng tropa ni Sales ang operasyon sa tulong ng mga opis­yales ng barangay at nasamsam ang ilang piraso ng plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at mga sumpak.

Ang operasyon ay isinagawa matapos ang rekla­mong nakarating sa PS-6 kaugnay sa talamak na paggamit ng droga at mga lumalalang krimen.

ACIRC ANG BARANGAY BATASAN HILLS DROGA GALUGAD MGA NABATID OPLAN BULABOG QUEZON CITY ROBERT SALES SINABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with