^

Police Metro

158 Pinoy nasagip sa lumubog na ferry boat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga otoridad sa Malaysia ang 158 Pinoy matapos na aksidenteng lumubog  ang sinasakyan nilang ferry boat   mula sa Tawi-Tawi nang bumangga sa isang batel sa bahagi ng  karagatan ng Bumbum Island, Semporna, Sabah, Malaysia kamakalawa.

Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, naganap ang insidente sa bahagi ng nasabing karagatan bandang alas-8:30 ng gabi.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon nang umalis ang M/V Juhari, na gawa sa kahoy sa pier ng Bongao, Tawi-Tawi patungong Semporna, Malaysia.

Ang nasabing ferry boat na nakarehistro sa Malaysia ay sumalpok sa isang batel habang naglalayag sa bahagi ng nasabing karagatan at lumubog.

Mabilis na nakaresponde ang mga otoridad ng Malaysia at nasagip ang mga Pinoy.

ANG

AYON

BONGAO

BUMBUM ISLAND

MABILIS

MAJOR FELIMON TAN

PINOY

SEMPORNA

TAWI-TAWI

V JUHARI

WESTERN MINDANAO COMMAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with